Aming binalik tanaw ang mga pangyayari sa buhay ng ating pambansang bayani...
![]() |
Sa larawang ito makikita ang dating itsura ng bahay ni Higino Francisco. |
Subalit ng aming makita ang lugar, ito na lamang ang naabutan namin.. Isang poste na may markang "X" at mga yerong nakahilera na nag sisilbing tanda ng dating bahay ni Higino Francisco.
At sinasabing tatayuan ng bagong condominium.
![]() |
Larawan ng dating Bahay ni Higino Francisco |

Matapos ang pag sadya namin sa dating bahay ni Higino Francisco aming binagtas ang daan patungo sa dating paaralan ni Rizal ang University of Sto. Tomas.
Mainit na mainit noong binagtas namin ang kahabaan ng Jones Bridge upang matunton namin ang daan patungo sa UST. Kapansin pansin ang malaking pagbabago sa lugar mula sa dati nitong itsura.
Nasasabing ang binondo ay isa sa mga lugar kung saan inipon ng mga kastila ang mga mangangalakal na intsik.
![]() |
Kuha mula sa dating UST Si Rizal ay pumasok sa UST noong 1877 sa edad na labing anim.. na kumuha ng Philosophy at Letters. Ang dahilan daw kung bakit yun ang kursong kinuha ni Rizal ay dahil sa kagustuhan ng kanyang Ama at hindi niya pa ganoon ka alam kung anong kurso ang kanyang kukunin. ANG ATENEO DE MANILA NGAYON Ang Ateneo ay isa ngayon sa mga tanyag na Unibersidad dito sa Pilipinas at isa si Jose Rizal sa mga nakapag aral dito. nakakuha siya ng matataas na marka sa kanyang pag aral dito. Sa aming pag punta dito ay hindi naging mahirap dahil alam ito ng guardiya sibil. (Guard on duty). :)
Ang Fort Santiago (Fueza de Santiago) ay isang malaking kuta at tanggulan na ginawa para sa kongkistador na Kastilang si Miguel Lopez de Legaspi. Bago dumating ang mga Kastila, ang kinalalagakan ng Fort Santiago ay dating kaharian ni Raha Soliman. Dito nakulong ang pambansang bayani na si Jose Rizal bago siya barilin sa Bagumbayan O Luneta ngayon
Sunod naming tinungo ang Fort Santiago kung saan makikita ang pinag kulungan kay Rizal.
Mababakas sa lugar na ito ang malaking pagbabago .. mula sa mga pader nito.
Sa loob ng Fort Santiago.. makikita ang piitan ni Rizal.. Muling bumalik tanaw sa isip ko ang pag hihirap ng ating bayani sa kamay ng mga kastila..
Sa loob ng Fort Santiago ay aming tinungo ang Dambana ni Rizal kung saan makikita ang ilang mga bagay na naging parte ng kanyang pagiging bayani. Mula sa mga nobela hanggang sa mga talentong ipinamalas ni Rizal.
Masasabing isa siyang huwarang bayani dahil sakanyang pagmamahal sa pilipinas.
Sa aking paglilibot sa Dambana ni Rizal.. aking nakita ang ilang mahahalagang bagay na may kaugnayan sa kanyang buhay..
Matapos naming libutin ang Dambana......
Ang isa sa mga naging atraksyon sa Fort Santiago ang paglalagay ng mga foot steps mula sa piitan ni Rizal hangang ilabas siya ng Fort Santiago.
Galing sa Fort Santiago ay tumungo kami sa Cuartel.. ito ay itinayo ng Arteleria de la montana noong 1781..ginamit ito bilang himpilan ng noong 1905..naging military school ito na kasalukuyan ay nasa baguio na ngayon.
ngayon ay ito na lamang ang natira at ginawa na lamang parke..
Sunod naming tinungo ang Pambansang Museo kung saan ang pakay ay makita ang Gallery 5 na naglalaman tungkol sa ating pambansang bayani..
Makikita sa Gallery na ito ang mga obra na ginawa ni Rizal pati na rin ang ibang obra na inalay para kay Rizal.
Pagakatapos naming mapuntahan ang Gallery 5 ay agad na kaming tumungo sa Luneta Park kung saan makikita ang Sikat na Sikat na monumento ni Rizal. Napaka daming tao kumpara noong nag fifield trip palang kami dito noong elementary.
Kitang kita ang malaking pagbabago mula sa kapaligiran hanggang sa mga gusaling tumataas na maka agaw pansin.
Sinikap kong maubos ang mga tao sa paligid bago ako nagpakuha ng picture para masiguro kong hindi makikita ang panirang gusali na iyon..
Dahil sa kinapos na kami sa oras.. hindi na namin napuntahan pa ang Paco Cemetery.. at pinapangako kong sa mga sususnod na araw ay mapupuntahan ko rin ag lugar na iyon.
Marami akong natutunan sa aking paglalakbay aral tungkol sa buhay ni Rizal.. hindi lang basta basta ang pagiging bayani ni Rizal.. mahabang proseso pala ang kanyang pinag daanan para isalba ang ating inang bayan..
MARAMING SALAMAT!!
|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento